Tuesday, November 10, 2015

Buhay nga naman :) Smile nalang.

Simulan natin kung saan ako nagmula at kung saan unang namulat ang mura kong kaisipan. (shocks! ang lalim ha?) Reminscing.. Sige, iisa-isahin ko ang mga detalye na natatandaan ko sa buhay ko. When I was in kinder, nag-aral ako sa isang Christian School. If  I'm not mistaken, Enogh Mission Garden ang name ng school. Koreano ang may-ari ng school kaya kinder palang ako ay mahilig na ko sa Arts. Mag-drawing, painting, singing, dancing and etc. Ako lang ang nakakaibang uniform nun. sila kasi, puro deretso yung damit na parang daster, at ako naman ay yung parang may pa-H na pangtaas na parang jamper (nai-imagine mo ba?) basta.. Pero ako lagi ang outsanding sa grades. HEHE. 
Grade School na ko, nung grade 1 ako, napunta ko kay mam Louela. Nung una, ayaw nya pa kong ipasok dahil mejo bata pa daw ako. Pero chinallenge nya ko na kung papasa daw ako sa test nya ay hindi na ko magiging saling pusa sa klaseng iyon. So, I took a test, and I passed. Nagulat pa sya dahil akala nya ay hindi ko mapapasa. (walang bilib! tsk.) Then when I was in grade two, natandaan ko noon nung binigyan ako ng teacher ko ng 10 bingo cards then I gave it to my mom. Biglang nagalit si mama nun kasi bakit daw ako binigyan nun. Kasi nga mahirap lang kami. Natatandaan ko nun na 70 pesos palang ang tuition fee namin. Tapos pumunta si mama sa school. Kinausap niya si Mam Mateo. hahaha! At yun ang hinding-hindi ko makakalimutan. Nagalit si mama kay mam, at pagkakatanda ko, kasama ni mama ang mama ni Marimar, and BFF ko noon at isasauli rin ang bingo cards. So sa galit ni mama, na ayaw ipabalik ang Bingo cards, tinapon nya yun sa kanal malapit sa pwesto nila. HAHA yan ang nanay ko! (kung nabubuhay lang sana sya ngayon :(...) Grade 3, wala naman naging masyadong espesyal pero natatandaan ko nun ay 1st time kong magka-TOP. Top 9 or 10 ata ko? (di ko sure..) Si mam Marilyn Sarmiento ang naging teacher ko nun. And until now, kilala pa daw ako. Grade 4, una naming naging teacher nun ay si mam Buenaventura. Maganda, mejo chuby pero napakabait. Kaliwete yun e. haha tanda ko pa. tapos umalis sya, kapalit nya si mam Mateo. Yun ang pinakaworst grade school time na nangayare sa akin kasi basta... pinahiya nya ko.. pero ayoko nang ungkatin pa. nakakainis sya. Pero wala na yun ngayon. grade 5, Last year ko sa Capunitan Elementary school. Sana buhay pa yung Acacia tree na makikita sa building ng grade 1. dun kami madalas na tumatambay. Pati sa fish pond na nakakita pa kami ng alay na manok at bigay. Puro fresh pa nga e. haha.. Calisthenics competition nun, tarages, kulay orange ang team namin. mukang ewan -_-.  orange na neck tie, white tshirt na nakatuck-in sa sa orange na pala. Can you imagine? Kaloka kasi pumili si Mam Gomez nun. Yung teacher kong puro butas butas ang muka na parang Jose. HAHAHA just kidding. 
Natandaan ko pa sa math subject namin, si Mam Irene, yung teacher naming terror. Di ko na matandaan kung sino yung dinukdok nya ang mukha sa black board dahil hindi nakasagot ng tama sa pagsosolve ng math. HAHA putik yun. Sakit nun ah. Lahat kami syempre natakot that's why magaling ako sa math nun. (HAHAHA! swear to God) Then natatandaan ko pa nung bata pa ko, lagi akong sumasama sa pamamasada ni papa. Pabalik-balik sya e. Minsan sa Olongapo, minsan naman sa Bataan lang. Sobrang saya ko na nun kapag nagdadala sya ng isang baldeng biscuits. Minsan nga lata pa e. Yung may iba-ibang shape at taste. Tapos, syempre ako kasi ang bunso sa 6 na magkakapatid so ako lagi ang pinupunta sa KFC, binibilhan ng bagong damit at kapag natutulog sa tanghali, pagkagising ko nun, nakaready na ang miryenda na tinapay na may peanut butter. hahaha (crying..) napakasimple ko lang noon. Pero sobra ang saya ko. Yung kahit may sinat ako, papasok pa rin ako kasi ayaw ni mama na alagaan ang mga sakit namin. Dapat, kaya namin. Kayanin. Kaya wala akong absent nun. Yung nasusuka pa ko sa tuwing babyahe kami papunta dito sa gapo. Masaya na rin ako kapag niregaluhan ako ni anty jenny ng mga laruan. Natandaan ko rin nung binigyan ako ng regalo ng tito lito ko ng Malaking manika na kasing laki ko. Wala rin akong ginagawa sa bahay kahit ano kaya nasanay akong paggising ko ay ready na ang lahat. 
Vladimir R. Valdez
Nagigitara rin yung kuya ko na si kuya Vlady at ako naman ang kumakanta. Ang galing ng kuya ko especially kapag kinakanta nya yung Let me be the one ni Jimmy Bondoc. Super ganda. Ang sarap pakinggan. Si ate heaven naman,
 Heaven R. Valdez
 nakilala ko lang sya nung pumunta kami ni mama sa work nya. May kapatid pala ko dun? haha pati si ate analyn.
 Analyn R. Valdez
 dun ko lang sila nakilala. And then, si liway.

 Liway R. Verano
 Yung panganay na anak ni papa. Yung pinakamadamot sa aming lahat. Kuripot, sobra mo pang pipilitin bago magbigay. (Swerte mo kung magbigay) Ang nakapagtapos ng BEED sa Limay Polithecnic College. Pasado sa LET exam pero hindi pa rin regular. ewan ko ba dito.
Si jetjet naman, ang sumunod bago ako. Yung pinakapasaway samin pero pinakamahal kong kapatid. Although, mahal ko naman silang lahat, di ko lang alam bakit sya yung pinaka gusto ko sa lahat ng kapatid ko. Siguro dahil pareho yung takbo ng utak naming dalawa. hahaha
 Wilfredo R. Verano Jr.
At ako, ang bunso. Ako nga pala si Wella Ara V. Rupe. Nagtataka ka ba kung bakit kami magkakaiba ng surname? Kasi, yung tatlong Valdez ay anak ni mama sa una nyang asawa. at kami naman ay kay papa. NAIBA lang ako dahil in-adopt ako ng auntie myrna ko na galing sa states at may asawang kano. 
 Wella Ara V. Rupe
Noong grade 6 ako, lumipat na ko ng Olongapo at nag-aral ako sa Balic-balic Elementary School. Napunta ko sa section 3 dahil late enrolee ako. Dapat section 1 ako e. hayss. Pero ayos lang. Then sa Sta. Rita High school ako nag-aral. At nakilala ko ang TFS. 
Si Melvin, Aruel, Perez, Darwin, Diana, Jet, Savanna, Angelica, Salve, Jahnke, Carlo, Andoy, Jaja, at Christian lalaguna. Hanggang ngayon na college na ko, keep in touch pa rin naman kami. nakakamiss ang Highschool Life. 
At ngayon College na ko. Bachelor in Secondary Education Major in Biological Science ang kinuha kong course. Ayoko talaga ng course na yun actually, kaso yun ang gusto sa akin ng auntie ko. Ang gusto ko sana ay graphic designer, architect or anything about arts. Kaso dahil sila ang nagpapaaral, wala akong magawa. Dito ko nakilala ang mga bago kong kaibigan. Yung mga kaibigan ko kasi nung highschool, yung iba sa ibang school nag-aral, at yung iba naman ay nagsipagtrabaho na. 
Eto kami. Si Katherine Viado (BSED-E), Ako (BSED-BS), si jaejae (Rodillio Milagrosa) (BSED-F) at si Arquelle Dataylo (BSED-M). Sila ang mga bago kong kaibigan. Ngayon ay nasa 3rd year College na ko, 2nd sem. Iba-iba man ang major namin, kasama ko sila kahit saan. Sa kalokohan, kainan, katatawanan, kakantahan, galaan, kainuman at etc. haha Minsan nga may nadadamay pa sa kalokohan namin. Pero wala lang samin yun. bahala sila! At sana, sabay-sabay kaming grumaduate. Ang saya siguro nun. So far, wala pa kong incomplete. Muntikan lang. hahaha :D 
Matagal na rin akong walang lovelife, 2 years ago na nung naghiwalay kami. Ayoko na kasi at wala akong time sa kalokohang yan (sus!) hahahaha" kaya sana makatapos ako. Ayoko silang biguin. Ang hirap pero gagawin ko ang best ko. Sa ngayon, President ako ng Org namin ng Science. Ayoko talaga sya kasi sobrang hirap humawak ng org na wala namang nakikipag cooperate. nakakaloka di ba. So, kaya ngayon parang nakakatamad na syang hawakan. Sobra ang challenge nito sa akin. Gawa ng letter, plano, at kung anu-ano pang ka-ek-ekan ng org na yan. (LETSE!) Pero 1 sem nalang naman. Malalagpasan ko rin yun. (SANA!) 
Ayan! Puro trabaho dahil sa org tapos nakakatamaran ko ng mag-aral dahil jan. hayysss... gusto ko talagang bumawi. Gusto kong bawiin yung pagkakataon na binoto nila ako at tinanggap ko ang posisyon na yun. nakakainis! Pero alam kong challenge ito na binigay ni God sa akin. Na alam nyang kakayanin ko ito kaya niya ibinigay sa akin. Sana kayanin ko nga. 
Every december naman ay may Youth camp akong sinasalihan. Dun sa church nila Kuya Vladz. Sa Church So Blessed. 
That's me! YES! with Pastor Ranilo. Pero sa totoo lang, habang nagkakaedad ako, lalong lumalala yung kalokohan ko. Siguro dahil hindi na ko nagsisimba at nakakalimutan ko si God. Kaya ko laging nagkakaproblema. Gustong gusto ko na talagang bumalik. Gustong-gusto ko. Yung mga panahong wala pa kong masyadong problema. Thanks God sa lahat ng mga blessings na binigay nya sa akin kahit na marami akong pagsubok na nararanasan. Na kahit wala akong nanay na nasa tabi ko at kasama na ni Lord. Nakakaya ko pa rin ang sarili kong bumangon. SALAMAT!
 Ma, namimis na kita... 

-------------------------------